Monday, October 6, 2008

What is "I.T" ?

When you are a graduating student in high school, the very hard decision is to choose a course that you will taking up in college. It is very cofusing because nowadays, there are alot of courses that you can choose on. Because they are so many, it is hard for you to decide.

Now, I'm a second year college student. I'm taking up Bachelor of Science in Information technology. Some people are curious about it so I have a brief definition of "I.T".

"I.T" stands for "Information Technology," and is pronounced "I.T." It refers to anything related to computing technology, such as networking, hardware, software, the Internet, or the people that work with these technologies. Many companies now have IT departments for managing the computers, networks, and other technical areas of their businesses. IT jobs include computer programming, network administration, computer engineering, Web development, technical support, and many other related occupations. Since we live in the "information age," information technology has become a part of our everyday lives. That means the term "IT," already highly overused, is here to stay.

My only advice to those high school student is to choose wise on what course she /he want to take up and choose properly!





sources:http://www.techterms.com/definition/it

Friday, October 3, 2008

Bakit ba ako nag-IT?

Nung una talaga gusto kong kunin sa kolehiyo ay Accountancy o kaya Business administration, pero hindi ko akalain na ang magiging kurso ko pala ay BSIT o Bachelor of Science in Information Technology.

Siguro nakatadhana na talaga na ito ang kukunin kong kurso, biruin mo sa mga university na kinuhaan ko ng entrance examination, dun ako pumasa sa university na pinili kong kurso ay BSIT at hindi naman ako pumasa dun sa university na pinili ko namang kurso ay Accountancy.

Kung tutuusin, ito ang masasabi kong career na flexible sa lahat ng larangan. Lahat ng kompanya ngayon ay pinapatakbo na ng teknolohiya. Kung matatapos ko ito maaari akong pumasok sa Call center, Telecommunication companies, at kahit sa malalaking corporation sa ating bansa. Maaari akong maging web developer, web designer, computer programmer, computer analyst at marami pang iba. In demand din ito sa ibang bansa. Dahil nabubuhay na tayo ngayon sa panahon na maimpluwensiya na sa tao ang teknolohiya, marahil ito ang tamang career na nababagay sa akin. Ngayon ko napagtanto na tama ang desisyon ko na ito ang piliin kong kurso at hindi ko ito pinagsisisihan.

Para sa akin, kailangang pag isipan mong mabuti ang pipiliin mong kurso at kailangan na bukal sa puso mo ang pagpili at hindi sa napipilitan ka lamang.

Wednesday, October 1, 2008

Teknolohiya, ano ba ang halaga mo?

Hindi lingid sa ating lahat ang mabilis na pagbabago ng panahon ngayon. Dahil mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya, nag-iba na ang pamumuhay ng mga tao ngayon. Dahil sa teknolohiya, napapabilis at napapagaan nito ang araw-araw na gawain ng tao. Dahil sa malikhaing pag-iisip ng mga dalubhasa, nabuo ang mga makabagong kagamitan o “Gadgets na talaga namang nakakatulong sa atin. Kung dati ay kailangan pa nating gumawa ng liham upang kamustahin ang mahal natin sa buhay na naroon pa sa malayong lugar, ngayon, sa isang tawag mo lamang sa telepono o sa cellular phone ay nakakausap nati sila. Nauuso rin ngayon ang chating o pagi-email gamit ang computer na medium sa modernong pakikipagkomunikasyon. Nauuso rin ngayon lalong-lalo na sa mga kabataan ang mga gadgets katulad ng MP3, MP4 player, ipod, psp at madami pang iba. May nagsasabi na kung wala ka ng mga bagay na ito ay hindi ka raw “in” o wala ka sa uso kaya marahil maraming sa mga kabataan ang gustong magkaroon ng mga ito. Sa larangan ng transportasyon, medisina, ekonomiya ay may kontribusyon din ang teknolohiya.

Marahil hindi na rin natin napapansin na nakadepende na tayo sa teknolohiya. Marami sa atin ang dumedepende na lamang sa magagawa ng teknolohiya hindi sa magagawa ng tao. Hindi kaya mawalan na ng trabaho ang mga tao kung mga makinarya na ang gumamawa ng kanilang trabaho? Hindi kaya isang araw pag-gising natin ay makina na ang magpapagalaw ng ating katawan? Siguro gamitin na lamang natin ang mga kagamitan na ito nang tama at nasa lugar nang hindi hindi tayo laging umaasa sa mga ito.