Hindi lingid sa ating lahat ang mabilis na pagbabago ng panahon ngayon. Dahil mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya, nag-iba na ang pamumuhay ng mga tao ngayon. Dahil sa teknolohiya, napapabilis at napapagaan nito ang araw-araw na gawain ng tao. Dahil sa malikhaing pag-iisip ng mga dalubhasa, nabuo ang mga makabagong kagamitan o “Gadgets” na talaga namang nakakatulong sa atin. Kung dati ay kailangan pa nating gumawa ng liham upang kamustahin ang mahal natin sa buhay na naroon pa sa malayong lugar, ngayon, sa isang tawag mo lamang sa telepono o sa cellular phone ay nakakausap nati sila. Nauuso rin ngayon ang chating o pagi-email gamit ang computer na medium sa modernong pakikipagkomunikasyon. Nauuso rin ngayon lalong-lalo na sa mga kabataan ang mga gadgets katulad ng MP3, MP4 player, ipod, psp at madami pang iba. May nagsasabi na kung wala ka ng mga bagay na ito ay hindi ka raw “in” o wala ka sa uso kaya marahil maraming sa mga kabataan ang gustong magkaroon ng mga ito. Sa larangan ng transportasyon, medisina, ekonomiya ay may kontribusyon din ang teknolohiya.
Marahil hindi na rin natin napapansin na nakadepende na tayo sa teknolohiya. Marami sa atin ang dumedepende na lamang sa magagawa ng teknolohiya hindi sa magagawa ng tao. Hindi kaya mawalan na ng trabaho ang mga tao kung mga makinarya na ang gumamawa ng kanilang trabaho? Hindi kaya isang araw pag-gising natin ay makina na ang magpapagalaw ng ating katawan? Siguro gamitin na lamang natin ang mga kagamitan na ito nang tama at nasa lugar nang hindi hindi tayo laging umaasa sa mga ito.
No comments:
Post a Comment