Friday, October 3, 2008

Bakit ba ako nag-IT?

Nung una talaga gusto kong kunin sa kolehiyo ay Accountancy o kaya Business administration, pero hindi ko akalain na ang magiging kurso ko pala ay BSIT o Bachelor of Science in Information Technology.

Siguro nakatadhana na talaga na ito ang kukunin kong kurso, biruin mo sa mga university na kinuhaan ko ng entrance examination, dun ako pumasa sa university na pinili kong kurso ay BSIT at hindi naman ako pumasa dun sa university na pinili ko namang kurso ay Accountancy.

Kung tutuusin, ito ang masasabi kong career na flexible sa lahat ng larangan. Lahat ng kompanya ngayon ay pinapatakbo na ng teknolohiya. Kung matatapos ko ito maaari akong pumasok sa Call center, Telecommunication companies, at kahit sa malalaking corporation sa ating bansa. Maaari akong maging web developer, web designer, computer programmer, computer analyst at marami pang iba. In demand din ito sa ibang bansa. Dahil nabubuhay na tayo ngayon sa panahon na maimpluwensiya na sa tao ang teknolohiya, marahil ito ang tamang career na nababagay sa akin. Ngayon ko napagtanto na tama ang desisyon ko na ito ang piliin kong kurso at hindi ko ito pinagsisisihan.

Para sa akin, kailangang pag isipan mong mabuti ang pipiliin mong kurso at kailangan na bukal sa puso mo ang pagpili at hindi sa napipilitan ka lamang.

2 comments:

Salientwebs said...

"You make your own FATE." -ma'am anne

Unknown said...

Amen